두목신기!

Blog EntryThe Wooden BowlApr 15, '08 11:13 PM
for everyone

Isa 'to sa mga paborito naming kwento ng kapatid kong si Poopooying. Reading to sa St. John's Academy elem, sa My Readers ata. Di ko na maalala.

Ang kwentong ito ay tungkol sa paggalang sa nakakatanda.

May tatay, nanay, anak at lolo. Napakatanda na ni lolo at mahina na ang katawan kaya lagi siyang nakakabasag ng pinggan. Naiinis ang nanay at tatay at lagi nilang pinapagalitan si lolo. Isang araw napag-isipan nilang bigyan ng kahoy na mangkok ang lolo. Nang makita ito ng anak tinanong niya ang tatay kung bakit kahoy ang kinakainan ng lolo. Sabi ng tatay, para di na siya makabasag. Kinagabihan, nakita nila ang anak na may inuukit na kahoy. Tinanong nila kung para saan yon. Ang sabi ng anak, gumagawa na siya ng kahoy na mangkok para sa nanay at tatay sa kanilang pagtanda. Napagtanto ng nanay at tatay ang kanilang pagkakamali. Kinabukasan, binawi na nila ang kahoy na mangkok ni lolo.

Wais nung bata no?


ankiesj wrote on Apr 17, '08
astig. :)
sachiiiiiiiii! goripanda!!
luimashiara wrote on Apr 17, '08
wah alam ko toh! hehehe. tawag jan- buti nga!!! hahaha
Add a Comment
   
© 2008 Multiply, Inc.    About · Blog · Terms · Privacy · Corp Info · Contact Us · Help